Thursday, February 3, 2011

Tagalog Love Quotes

sabe nla unfair daw ang mundo! Pag may nagma2hal sau, pilit kng lumalayo. Pag may minamahal ka, umiiwas nmn cla. Pro bakt ganun? Nung ikaw yng minahal ko, d ka lumayO??

Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.

Wag kang iiyak kahit mahalata mong masaya siya sa piling ng iba. Ni ang malungkot, iwasan mo. Malay mo, hiniling din niyang maging happy ka kahit na alam niyang hindi na pwede kasi wala na siya.

Matagal kong tinagong mahal kita. Ginawa ko ang lahat para sayo. Binigay ko na pati puso at kaluluwa ko pero hindi mo pa rin ako napansin. Ang masakit pa dun, nang naglakas loob akong sabihin sayong mahal kita, ang sinabi mo lang, "Ows? Talaga?"

Minsan ang sinasabi ng isip, iba sa nilalaman ng puso kaya pati damdamin, nalilito! Hindi malaman kung alin ang dapat sundin. Ang isip na nagsasabi ng dapat? O ang pusong nagmamahal ng tapat?

Noon minahal ka niya. Akala mo forever pero iniwan ka rin niya. Pinipilit mong ibalik ang noon pero hindi mo kaya. Sino ngayun ang manhid? Siya dahil hindi niya maramdamang mahal mo siya? O ikaw kasi hindi mo matanggap na ayaw na niya?

yokong magtanong, kasi yokong malaman. yokong malaman, kasi yokong masaktan... pero bat pa ko aayaw kung ikaw na nagsabing... yoko.. sayo..

bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating? bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko? bakit kung kailan natutunan kitang mahalin dun ka lumayo, bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?

kaya kong tuyuin ang iyong mga luha sa bawat sakit na iyong mararamdaman ngunit kailan mo kaya mapupuna ang aking luha? pareho lang tayong nasasaktan ikaw sa kanya at ako sa yo

hbang nasau ang taong mahal mo, alagaan mo...
wag mo hayaan dmatng un araw na pagcchan mo na nawala na xa, at sbhin ña sa ung,"kaw kc eh, pnabayaan mo ko..."

wen sm1 leaves u, dont hope and w8t 4 dat person to come back... feel gud about urself and say:
"nxt plz, mahaba ang pila!"

kpg ikaw sad.. and2 lng me, kpg away k nla awy q cla ala me pkialam kng mdmi mng kaaway q, bsta alm q ur spcl kya ayw q msktan k.. kc mahal kta eh

an angel askd me 'bkit ka sad?' thinkng of u i answrd 'kc mis ko na sya e'.. den i heard d angel giggle.. i lukd up nd bgan 2 smyl nd sed "  Dylan, kaw pla yan'

may mga bgay n kht sau n, nwawla pa.. pro tlagng gnon! kya naisip kta. lam kng dka sakin, pro sana bago ka mwla..
malman mong, kung dka mahlga, e di sna hinayaan nlng kta.

sUm1 aSkd mE.. "if eAch pErS0n hAs aN aNgEL, y caNt wE sEe thEm?" i juz sMyLd nd sAid.. "bkt c Dylan, nkkta k0?"

sbi nla pg dka mk2log me ngiicp s'yo at ngmmhal.. cgrado un taong un mis ka tlga.. kya kunD ka mk2log, sORI! di ko mapigilan eh..

Der r tyms dt m s0 kuLit dt u Lyk 2puT sc0thtape na 2 my m0uTh, mNsan im s0 isipbata dt u Lyk 2 tie me 2a tree pr0 kht ul do dat ol 2me, d kta iiwn kc love kta..

ngalit skn c Lord..sabi nya.. 'anak,kng san san ka ngppunta' tps,nkta nyang ksma kta.. 'o, bat ka kc lumapit dyn?' sb ko.. 'Lord,sry..kla ko kc langit e'

kunwari, masya ako...kunwari, ok ako...kunwari, wla akong problma...kumwari, nsa langit ako... ok lng ba kong icpin kng kunwari mhal m ko? kunwari lng nmn eh
 
kLaN kyA darAtiNg uLit yUnG aRAw na tAyOy mAGkAsaMa mUli? nA tAyOy mAgiGiNg mAsaya At mAmAhAlin Pa rIn aNg iSat isA? mAghIhiNtaY pArin akO...Pro kELen nGa kAya?....aH siGUro pAg nAkAlimUtaN mO nA sIyA...

Kala ko dati malas ako.. kala ko pinagtripan ako ng mundo tapos napatingin ako sau tpos napangiti.. bkt? Kc kahit gano ako kamalas.. bawing bawi naman dhl sau!

Iniwan kita d dhl ayoko na, d rin dhl meron akong iba, d dhl suko n ko at d rn dhl nkkpgod na.. gus2 ko lng hanapin m ang pagmamahal ko.. kc pag nasayo.. winawala mo..

Ang galing ni God, no? Alam niya kung saan magiging masaya ang tao, kung saan sila pwedeng magmahal at mahalin ng totoo, kung saan yung langit dito sa mundo. Hmm. Kaya pala nilagay niya ko malapit sayo

Wednesday, February 2, 2011

Corny Pick-Up Lines

# 1
Boy: Isda ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Tininik mo kasi ang puso ko.

# 2
Tingin ko lumiit ka. Kasi dati nasa isip lang kita, pero ngayon nasa puso na kita.

# 3
Boy: Alarm clock ka ba?
Girl: Bakit naman?
Boy: Ginising mo kasi ang natutulog kong damdamin.

# 4
Boy: Are you asthma?
Girl: Ha?
Boy: 'cause you take my breath away.

# 5
Sana magic carpet ka nalang so I can take you to a whole new world.

# 6
Sa dinami-dami ng books na nabasa ko, isang book lang ang hindi ko maintindihan: ang tibook ng puso ko.

Tuesday, February 1, 2011

Mahal na Mahal Kita

masarap umibig
lalo na kung ikaw
ang siyang dahilan
kung bakit ako umiibig

masarap masaktan
lalo na kung ikaw
ang siyang dahilan
kung bakit ako nasasaktan

masarap umiyak
lalo na kung ikaw
ang siyang dahilan
kung bakit ako umiiyak

higit na masarap ang tumawa
lalo na kung ikaw
ang siyang dahilan
kung bakit ako tumatawa

pero sa kabila ng lahat ng ito
baliw pa rin akong naghihintay sa iyo
minsan na akong nasaktan
maraming beses na rin akong umiyak

ganoon pa man
hinding hindi magsasawa ang puso ko na masaktan
hinding hindi magsasawa ang aking mga mata na umiyak
dahil alam ko na sa iyo lamang umiikot itong aking mundo

dahil alam ko na ikaw lamang ang minahal ko nang ganito
ikaw lamang ang nagpahalaga sa akin
ikaw lamang ang nagmahal sa akin
mahal na mahal kita pangalawa sa Kanya.

Mga Tula ng Pag-ibig

Ang mga sumusunod na tula ay isinulat ng aking kaibigan:

Tayo Na Ba?

“Mahal kita!”, sabi ko
“Mahal din kita”, sabi mo
Tanong ko, tayo na ba?

Pinatawa kita
Napahalakhak ka
Tanong ko, tayo na ba?

Nakita kitang umiiyak
Nilapitan at pinatahan kita
Tanong ko, tayo na ba?

Niyakap kita
Nayakap mo rin ako
Tanong ko, tayo na ba?

Hinalikan kita
Hinalikan mo rin ako sabay ngiti
Palagay ko, tayo na nga.


Mahal na kita

Nakilala kita nang tayo’y bata pa
Lubhang nabighani sa taglay mong ganda
Kung kaya sa iyo ay nagpakilala
Matamis na awit sa ati’y nagbunga

Sa bawat sandali na ika’y kasama
Hindi maipinta yaring nadarama
Sa mga sandaling sa tabi’y wala ka
Itong aking puso lubhang nagdurusa

Ano nga ba itong aking nadarama?
Bakit ba ganito, hanaphanap kita?
Hindi kaya ako ay umiibig na?
Ewan! Basta alam ko, Mahal na kita.


Yakap

Ano ba ang yakap, Inay?
Sabi nila masarap daw ito
Bakit nila nasabi iyon, Inay?
Nakakain ba ito?

Ano ba ang yakap, Inay?
Sabi nila gamot daw ito
Bakit nila nasabi iyon, Inay?
Nakapagpapagaling ba ito?

Ano ba ang yakap, Inay?
Sabi nila pera raw ito
Bakit nila nasabi iyon, Inay?
Nakapagpapayaman ba ito?

Ano ba ang yakap, Inay?
Sabi nila panaginip lang daw ito
Bakit nila nasabi iyon, Inay?
Sa pagtulog lang ba nakikita ito?

Ano ba talaga ang yakap, Inay?
Gusto ko rin itong maramdaman
Gusto ko rin itong maranasan
Yakapin mo naman ako, Inay
Sige na naman.


Ikaw ba ang Ulan?

Sa tuwing papatak ang ulan
Alam kaya niya ang kanyang babagsakan?
Basta nalang ba siyang pumapatak at bumabagsak
Biglang bumubuhos nang walang dahilan?

Sa biglaang pagbuhos ng ulan
Alam ba niyang ako ay nasasaktan?
Hindi kaya sinasadya niyang ako ay masaktan
O nakikipaglaro lang sa akin ang ulan?

At sa tuwing nababasa ako sa ulan
Alam kaya niyang ako ay giniginaw?
Alam ba niyang ako ay nanlalamig?
Alam kaya ng ulan ang aking nararamdaman?

Ngunit sa pagtigil ng patak ng ulan
Bakit labis na pangungulila ang aking nararamdaman?
Alam ba niyang labis akong nasasaktan?
Bakit hindi ka makasagot?
Ikaw ba ang Ulan?

Ang Pag-ibig para kay Dylan

Ano ang pag-ibig para sa akin?

Ang pag-ibig parang counter strike, kahit ga'no ka kagaling, darating ang araw matatalo ka rin.

Ang pag-ibig parang gulong ng sasakyan, minsan mabilis, minsan mabagal, at kung pagmamasdan, ito'y umiikot lang.

Ang pag-ibig parang hangin laging nandiyan pero hindi mo nakikita.

Ang pag-ibig parang kamera, basta maganda kinukuha.

Ang pag-ibig parang dictionary, ang daming kahulugan.

Ang pag-ibig parang bata, sarap asarin at alagaan, madaling pasayahin. Huwag mo lang sasaktan. Tiyak iiyak yan.

Ang pag-ibig minsan, parang bola masarap paglaruan. Pero 'pag walang hangin sa loob, tiyak 'di tatalbog yan.

Ang pag-ibig parang bubble gum na dumikit sa damit. Matanggal mo man ito isa pa rin ang tiyak ko: mang-iiwan ito ng bakas para maalala mo.

Ang pag-ibig minsan parang anino, kahit sa'n ka magpunta, sunod nang sunod sa'yo.

Ang pag-ibig parang expired na gamot, nakakamatay.

Ang Pag-ibig

From the movie, "I Do"

"Ang pag-ibig nga naman parang cellphone na nahulog sa toilet, makukuha mo lang kung meron kang lakas ng loob."

"Ang pag-ibig parang computer virus, sinisira ang lahat ng pinaghirapan mo."

"Basta pag nakita ko siya, alam kong siya na yun, kasi soul mate ko siya."

Monday, January 31, 2011

Alay kay Boss

Boss I
Alaala

habang pinagmamasdan ko
ang ngiti sa iyong larawan
naaalala ko ang mga araw
na tayo’y magkausap
naglalambingan
nagkakatampuhan
nag-aaway
at higit sa lahat
nagmamahalan.

Boss sabi mo
habangbuhay na tayong magsasama
pero bakit bigla
parang lumayo ka?
Ewan pero gusto kitang yakapin
kaso natatakot ako
natatakot ako na
baka pagyakap ko sa’yo
bigla ay lumayo ka

boss, ayaw kitang tanungin
kung mahal mo pa rin ako
pero ako boss
mahal kita
mahal na mahal
hindi ako kailanman
magsasawang mahalin ka
kahit hindi ko alam
kung babalik ka pa.


Boss II
Bumalik Ka Na

Boss, kamusta ka na?
Ako? Heto…
laging naaalala ka
ewan ko ba
tagal mo na kasing hindi
nagpaparamdam
ako naman heto
baliw pa rin sa
paghihintay

alam ko
babalik ka
patuloy akong umaasa
na babalik ka
kahit gaano katagal
maghihintay ako
sapagat
ito lang ang alam kong
Tama.

Saturday, January 29, 2011

Text Messages

TM 1:
Napanaginipan kita kagabi
tatlo tayo sa loob ng nasusunog na bahay

ikaw, ako, at ang taong mahal ko.

isa lang ang pwede kong iligtas,
"niligtas kita"

at bumalik ako sa loob para masunog
kasama ang mahal ko.

Lam mo ba kung bakit ako bumalik?
"Bumalik ako dahil nangako ako sa mahal ko
na magsasama kami hanggang sa kamatayan."

at alam mo ba kung bakit ikaw ang niligtas ko?
"Ikaw ang niligtas ko dahil nangako ako
na poprotektahan kita anomang bagay;
Kahit maging kapalit ay ang aking buhay."

TM 2:
CUTE STORY:

Nainlove ang demonyo sa isang anghel.

Demonyo: mahal kita!
Anghel: hindi pwede, magkaiba tayo, demonyo ka at anghel ako!

Isang araw nagkasakit ang anghel, nakita siya ng demonyo at
binuhat niya ito at inilagay sa damuhan.

Demonyo: dito lang ako sa tabi mo, babantayan kita hanggang sa gumaling ka.
Anghel: bakit ba tinutulungan mo ako?

Demonyo: dahil gusto ko maging "ANGHEL MO" sa kabila ng kademonyohan ko.

TM 3:
A student asked a teacher, WHAT IS LOVE?"

Teacher said:
"Punta ka sa bukid, then kunin mo yung pinaka-special na dahon"

Bumalik ang estudyante na walang dalang dahon, sabi niya:

"May nakita ako na special na dahon, pero 'di ko pinitas
dahil baka may makita pa ako na mas espesyal, pero sa paghahanap ko,
wala na akong nakita.

"Kaya binalikan ko yung dati kong nakita, pagbalik ko wala na dun yung dahon."

Teacher said:
"People always look for the best and when we find it, we take it for granted
expecting to find a better one, not knowing it was the best.

TM 4:
You don't love someone for their looks, for their clothes or for their fancy car but because they sing a song only you can hear. - Hellen Keller

TM 5:
Ang tao nagbabago lalo na 'pag paulit-ulit ang nangyayari. Kahit ga'no kapa kasigurado sa posisyon mo sa kanya, 'pag bigla siyang napagod at nakaramdam ng kawalan ng pagpapahalaga, kahit isa ka pa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya, magagawa ka niyang tiisin para malaman mo ang pagkakaiba 'pag wala siya.

TM 6:
Do you know what happens when you hurt people? They begin to love you less.

TM 7:
"Crush na sana kita e kaso ngumiti ka pa. 'yan tuloy, MAHAL NA KITA."

From other sources


From the movie, "I Do" directed by Veronica B. Velasco

"para sa akin kasi, choice mo kung kanino ka maiinlove. Kung totoong he's the one, dapat mo talaga siyang mahalin kahit ang kulit niya, kahit lagi siyang late, kahit dinededma niya mga text messages mo, kahit hate ka ng mga friends niya, kahit lagi kang last priority niya. Kung mamahalin ka niya nang walang kondisyon, hahamakin ang lahat. 'Yun ang true love.'" -Enchong Dee

From "Huwag Ka Nang Umiyak" by Sugarfree

Ako ang iyong bangka, kung magalit man ang alon, ang panahon, sabay tayong aahon.
Kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, hindi kita bibitawan
Mahaba man ang araw, uuwi ka sa yakap ko
Kung pakiramdam mo wala ka nang kakampi, isipin mo ako
dahil puso't isip ko'y nasa iyong tabi

'di kita pababayaan
Kapit ka, kumapit ka
(para sa buhay ng buhay ko)

Rules of Dylan

RD 1:
Kapag iniwan ka ng taong mahal mo, huwag kang malungkot. dahil tiyak na may darating at magmamahal sa'yo. anong malay mo, mas mamahalin ka niya kaysa dun sa nang-iwan sa'yo at sinaktan ka. malay mo siya rin ung magtuturo sa iyo para itama ung mga maling bagay na ginagawa mo. malay mo naghihintay lang siya ng pagkakataon para makaporma sa'yo. darating siya 'pag handa ka na.

RD 2:
Kahit ga'no pa kasakit, 'pag iniyak mo, mawawala yan.

RD 3:
Anong halaga ng pasko kung wala ka naman sa piling ko. lalo na kung sa'yo lang umiikot ang aking mundo?

RD 4:
Kala ko dati, okay na 'yung nakakatext kita araw-araw. nakakausap araw-araw. nakakasama araw-araw. pero hindi pala. alam mo kung anong mas okay? mas okay yung ako yung kasama mo sa tuwing umiiyak ka. sa tuwing may problema ka. sa tuwing nalulungkot ka. at higit sa lahat sa tuwing pakiramdam mo, lahat pinagkakaisahan ka.

RD 5:
Kung may paraan lang para makasama kita ng matagal, yun ung pipiliin ko.
Kung may paraan lang para mapasaya kita lagi, yun ung gagawin ko.
Kaso wala akong ibang maisip na paraan kundi mahalin ka nang hindi mo nalalaman.

RD 6:
Bakit mo siya tatalikuran kung kaya mo namang maghintay at mahalin siya ng habangbuhay.

RD 7:
Kung magmamahal ka rin lang dun na sa taong una mong iniyakan.

RD 8:
Hindi na mahalaga kung sino sa inyo ang nang-iwan, ang mas mahalaga ay alam niyo kung kailan kayo magkakabalikan.

RD 9:
Kung takot kang masaktan, hindi mo kailanman matututunang magmahal.

RD 10:
Bakit mo sasabihing hindi mo na siya mahal gayong patuloy ka pa ring nasasaktan?

RD 11:
Kung iiyak ka, umiyak ka sa isang dahilan, 'yun ay dahil hanggang ngayon siya pa rin ang iyong mahal.

RD 12:
Kahit ang pipi pinipilit magsalita. Pero ikaw, ang tahimik mo. Hindi ka naman pipi pero bakit ayaw mong sabihin kung anong nararamdaman mo?

RD 13:
Ang pag-ibig pwedeng pagtawanan pero hindi kailanman pwedeng talikuran.

RD 14:
Bakit gano'n? Basta para sa pag-ibig, lahat pinahihintulutan. Sana ako nalang ang pag-ibig para pahintulutan mo akong mahalin ka habangbuhay.

RD 15:
Kapag sigurado ka na sa kanya, hetong sabihin mo, "Hindi kita kailanman tatalikuran, pero pag sumuko ka, mahihirapan ako."

RD 16:
Kahit ilang beses ko pang sabihin yan sa aking sarili, unti unti kong nararamdaman na sumusuko ka na. Pa'no ba yan? Ang tanging magagawa ko na lamang ay mahalin ka nang hindi mo nalalaman.

RD 17:
Hindi ko hinangad na mahalin mo rin ako. Sapat na sa akin ang pagpayag mo na iparamdam sa'yo kung ga'no kita kamahal. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagmamahal ko sa'yo, itutuloy ko lang. Hindi ako magsasawa. Maaaring mapagod ako sa mga darating na araw at hindi magparamdam sa'yo nang matagal, huwag kang mag-alala mahal pa rin kita at kailanman hindi ako magsasawang mahalin ka.

RD 18:
Ang sarap magmahal. Masakit pero sobrang sarap! Alam ko wala na talaga. Umalis ka at nagpaalam na. Gano'n pa man, maghihintay pa rin ako. Lagi akong maghihintay, maghihintay na ikaw ay bumalik at bumalik ka man o hindi, maghihintay pa rin ako. Sa'yo lang tumibok ang puso ko. Sa'yo lang nasaktan nang todo at sa'yo lang din matatapos ang pagtibok nito.

RD 19:
Mahirap kalimutan ang isang bagay na matagal mo nang sinubukan lalo na 'pag isang araw bigla nalang magpaparamdam.

RD 20:
Ewan ko ba kahit ilang beses mo akong paglaruan, seryoso pa rin kitang minamahal.

RD 21:
Kahit patuloy ka niyang pinapaiyak at sinasaktan, patuloy ka pa ring magmahal. Anong malay mo na sa kabila ng lahat ng paghihirap mo ay makonsensiya siya at ibigay niya ulit ang matamis niyang oo.

RD 22:
Kung kaya ko lang ibigay ang lahat, ginawa ko na. Kaso tao lang ako. Hindi lahat kaya kong gawin. Pero sa kabila ng kapintasan ko, isa lang ang masasabi at magagawa ko: ang patuloy kang mahalin. At kahit ilang beses mo pa akong saktan at pagtabuyan, ikaw pa rin ang aking mamahalin at walang sawang babalikan.

RD 23:
Kung mangyari na lupa ka at langit siya, mahihirapan ka dahil kahit anong gawin mo, sa kanya pa rin ang bagsak mo.

RD 24:
Hindi ako kailanman nagsisisi na nakilala kita. Lalong hindi ako nagsisisi nung nagdesisyon akong mahalin ka. Dahil nung nakilala kita, nakilala ko sarili ko. At nung nagdesisyon akong mahalin ka, mas minahal ko ang sarili ko.

RD 25:
Huwag kang magseselos kapag may kausap siyang iba. Lalo na 'pag hindi mo sila kilala. Dahil at the end of the day, ang mahalaga ay ikaw pa rin ang mahal niya.

RD 26:
Kapag sigurado ka na sa mahal mo, hetong sabihin mo: "Paninindigan kita."

RD 27:
Kung ang pluto umiikot sa araw, ang aking mundo, umiikot sa'yo.