Saturday, January 29, 2011

Rules of Dylan

RD 1:
Kapag iniwan ka ng taong mahal mo, huwag kang malungkot. dahil tiyak na may darating at magmamahal sa'yo. anong malay mo, mas mamahalin ka niya kaysa dun sa nang-iwan sa'yo at sinaktan ka. malay mo siya rin ung magtuturo sa iyo para itama ung mga maling bagay na ginagawa mo. malay mo naghihintay lang siya ng pagkakataon para makaporma sa'yo. darating siya 'pag handa ka na.

RD 2:
Kahit ga'no pa kasakit, 'pag iniyak mo, mawawala yan.

RD 3:
Anong halaga ng pasko kung wala ka naman sa piling ko. lalo na kung sa'yo lang umiikot ang aking mundo?

RD 4:
Kala ko dati, okay na 'yung nakakatext kita araw-araw. nakakausap araw-araw. nakakasama araw-araw. pero hindi pala. alam mo kung anong mas okay? mas okay yung ako yung kasama mo sa tuwing umiiyak ka. sa tuwing may problema ka. sa tuwing nalulungkot ka. at higit sa lahat sa tuwing pakiramdam mo, lahat pinagkakaisahan ka.

RD 5:
Kung may paraan lang para makasama kita ng matagal, yun ung pipiliin ko.
Kung may paraan lang para mapasaya kita lagi, yun ung gagawin ko.
Kaso wala akong ibang maisip na paraan kundi mahalin ka nang hindi mo nalalaman.

RD 6:
Bakit mo siya tatalikuran kung kaya mo namang maghintay at mahalin siya ng habangbuhay.

RD 7:
Kung magmamahal ka rin lang dun na sa taong una mong iniyakan.

RD 8:
Hindi na mahalaga kung sino sa inyo ang nang-iwan, ang mas mahalaga ay alam niyo kung kailan kayo magkakabalikan.

RD 9:
Kung takot kang masaktan, hindi mo kailanman matututunang magmahal.

RD 10:
Bakit mo sasabihing hindi mo na siya mahal gayong patuloy ka pa ring nasasaktan?

RD 11:
Kung iiyak ka, umiyak ka sa isang dahilan, 'yun ay dahil hanggang ngayon siya pa rin ang iyong mahal.

RD 12:
Kahit ang pipi pinipilit magsalita. Pero ikaw, ang tahimik mo. Hindi ka naman pipi pero bakit ayaw mong sabihin kung anong nararamdaman mo?

RD 13:
Ang pag-ibig pwedeng pagtawanan pero hindi kailanman pwedeng talikuran.

RD 14:
Bakit gano'n? Basta para sa pag-ibig, lahat pinahihintulutan. Sana ako nalang ang pag-ibig para pahintulutan mo akong mahalin ka habangbuhay.

RD 15:
Kapag sigurado ka na sa kanya, hetong sabihin mo, "Hindi kita kailanman tatalikuran, pero pag sumuko ka, mahihirapan ako."

RD 16:
Kahit ilang beses ko pang sabihin yan sa aking sarili, unti unti kong nararamdaman na sumusuko ka na. Pa'no ba yan? Ang tanging magagawa ko na lamang ay mahalin ka nang hindi mo nalalaman.

RD 17:
Hindi ko hinangad na mahalin mo rin ako. Sapat na sa akin ang pagpayag mo na iparamdam sa'yo kung ga'no kita kamahal. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagmamahal ko sa'yo, itutuloy ko lang. Hindi ako magsasawa. Maaaring mapagod ako sa mga darating na araw at hindi magparamdam sa'yo nang matagal, huwag kang mag-alala mahal pa rin kita at kailanman hindi ako magsasawang mahalin ka.

RD 18:
Ang sarap magmahal. Masakit pero sobrang sarap! Alam ko wala na talaga. Umalis ka at nagpaalam na. Gano'n pa man, maghihintay pa rin ako. Lagi akong maghihintay, maghihintay na ikaw ay bumalik at bumalik ka man o hindi, maghihintay pa rin ako. Sa'yo lang tumibok ang puso ko. Sa'yo lang nasaktan nang todo at sa'yo lang din matatapos ang pagtibok nito.

RD 19:
Mahirap kalimutan ang isang bagay na matagal mo nang sinubukan lalo na 'pag isang araw bigla nalang magpaparamdam.

RD 20:
Ewan ko ba kahit ilang beses mo akong paglaruan, seryoso pa rin kitang minamahal.

RD 21:
Kahit patuloy ka niyang pinapaiyak at sinasaktan, patuloy ka pa ring magmahal. Anong malay mo na sa kabila ng lahat ng paghihirap mo ay makonsensiya siya at ibigay niya ulit ang matamis niyang oo.

RD 22:
Kung kaya ko lang ibigay ang lahat, ginawa ko na. Kaso tao lang ako. Hindi lahat kaya kong gawin. Pero sa kabila ng kapintasan ko, isa lang ang masasabi at magagawa ko: ang patuloy kang mahalin. At kahit ilang beses mo pa akong saktan at pagtabuyan, ikaw pa rin ang aking mamahalin at walang sawang babalikan.

RD 23:
Kung mangyari na lupa ka at langit siya, mahihirapan ka dahil kahit anong gawin mo, sa kanya pa rin ang bagsak mo.

RD 24:
Hindi ako kailanman nagsisisi na nakilala kita. Lalong hindi ako nagsisisi nung nagdesisyon akong mahalin ka. Dahil nung nakilala kita, nakilala ko sarili ko. At nung nagdesisyon akong mahalin ka, mas minahal ko ang sarili ko.

RD 25:
Huwag kang magseselos kapag may kausap siyang iba. Lalo na 'pag hindi mo sila kilala. Dahil at the end of the day, ang mahalaga ay ikaw pa rin ang mahal niya.

RD 26:
Kapag sigurado ka na sa mahal mo, hetong sabihin mo: "Paninindigan kita."

RD 27:
Kung ang pluto umiikot sa araw, ang aking mundo, umiikot sa'yo.

2 comments:

  1. grabe friend.. originals mo to??? ahhah.. ang romantic mo ah ^_^ keep up the good work.. inlove ka noh! hahahah ^.*

    ReplyDelete
  2. oo friend. 'pag walang magawa, pinipilit kong maging romantic heheheh. 'pag marami na gawa ako book, bigyan kita copy sige para macatalog. heheheh thanks friend ^_^

    ReplyDelete