Monday, January 31, 2011

Alay kay Boss

Boss I
Alaala

habang pinagmamasdan ko
ang ngiti sa iyong larawan
naaalala ko ang mga araw
na tayo’y magkausap
naglalambingan
nagkakatampuhan
nag-aaway
at higit sa lahat
nagmamahalan.

Boss sabi mo
habangbuhay na tayong magsasama
pero bakit bigla
parang lumayo ka?
Ewan pero gusto kitang yakapin
kaso natatakot ako
natatakot ako na
baka pagyakap ko sa’yo
bigla ay lumayo ka

boss, ayaw kitang tanungin
kung mahal mo pa rin ako
pero ako boss
mahal kita
mahal na mahal
hindi ako kailanman
magsasawang mahalin ka
kahit hindi ko alam
kung babalik ka pa.


Boss II
Bumalik Ka Na

Boss, kamusta ka na?
Ako? Heto…
laging naaalala ka
ewan ko ba
tagal mo na kasing hindi
nagpaparamdam
ako naman heto
baliw pa rin sa
paghihintay

alam ko
babalik ka
patuloy akong umaasa
na babalik ka
kahit gaano katagal
maghihintay ako
sapagat
ito lang ang alam kong
Tama.

Saturday, January 29, 2011

Text Messages

TM 1:
Napanaginipan kita kagabi
tatlo tayo sa loob ng nasusunog na bahay

ikaw, ako, at ang taong mahal ko.

isa lang ang pwede kong iligtas,
"niligtas kita"

at bumalik ako sa loob para masunog
kasama ang mahal ko.

Lam mo ba kung bakit ako bumalik?
"Bumalik ako dahil nangako ako sa mahal ko
na magsasama kami hanggang sa kamatayan."

at alam mo ba kung bakit ikaw ang niligtas ko?
"Ikaw ang niligtas ko dahil nangako ako
na poprotektahan kita anomang bagay;
Kahit maging kapalit ay ang aking buhay."

TM 2:
CUTE STORY:

Nainlove ang demonyo sa isang anghel.

Demonyo: mahal kita!
Anghel: hindi pwede, magkaiba tayo, demonyo ka at anghel ako!

Isang araw nagkasakit ang anghel, nakita siya ng demonyo at
binuhat niya ito at inilagay sa damuhan.

Demonyo: dito lang ako sa tabi mo, babantayan kita hanggang sa gumaling ka.
Anghel: bakit ba tinutulungan mo ako?

Demonyo: dahil gusto ko maging "ANGHEL MO" sa kabila ng kademonyohan ko.

TM 3:
A student asked a teacher, WHAT IS LOVE?"

Teacher said:
"Punta ka sa bukid, then kunin mo yung pinaka-special na dahon"

Bumalik ang estudyante na walang dalang dahon, sabi niya:

"May nakita ako na special na dahon, pero 'di ko pinitas
dahil baka may makita pa ako na mas espesyal, pero sa paghahanap ko,
wala na akong nakita.

"Kaya binalikan ko yung dati kong nakita, pagbalik ko wala na dun yung dahon."

Teacher said:
"People always look for the best and when we find it, we take it for granted
expecting to find a better one, not knowing it was the best.

TM 4:
You don't love someone for their looks, for their clothes or for their fancy car but because they sing a song only you can hear. - Hellen Keller

TM 5:
Ang tao nagbabago lalo na 'pag paulit-ulit ang nangyayari. Kahit ga'no kapa kasigurado sa posisyon mo sa kanya, 'pag bigla siyang napagod at nakaramdam ng kawalan ng pagpapahalaga, kahit isa ka pa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya, magagawa ka niyang tiisin para malaman mo ang pagkakaiba 'pag wala siya.

TM 6:
Do you know what happens when you hurt people? They begin to love you less.

TM 7:
"Crush na sana kita e kaso ngumiti ka pa. 'yan tuloy, MAHAL NA KITA."

From other sources


From the movie, "I Do" directed by Veronica B. Velasco

"para sa akin kasi, choice mo kung kanino ka maiinlove. Kung totoong he's the one, dapat mo talaga siyang mahalin kahit ang kulit niya, kahit lagi siyang late, kahit dinededma niya mga text messages mo, kahit hate ka ng mga friends niya, kahit lagi kang last priority niya. Kung mamahalin ka niya nang walang kondisyon, hahamakin ang lahat. 'Yun ang true love.'" -Enchong Dee

From "Huwag Ka Nang Umiyak" by Sugarfree

Ako ang iyong bangka, kung magalit man ang alon, ang panahon, sabay tayong aahon.
Kung wala ka nang makapitan, kapit ka sa akin, hindi kita bibitawan
Mahaba man ang araw, uuwi ka sa yakap ko
Kung pakiramdam mo wala ka nang kakampi, isipin mo ako
dahil puso't isip ko'y nasa iyong tabi

'di kita pababayaan
Kapit ka, kumapit ka
(para sa buhay ng buhay ko)

Rules of Dylan

RD 1:
Kapag iniwan ka ng taong mahal mo, huwag kang malungkot. dahil tiyak na may darating at magmamahal sa'yo. anong malay mo, mas mamahalin ka niya kaysa dun sa nang-iwan sa'yo at sinaktan ka. malay mo siya rin ung magtuturo sa iyo para itama ung mga maling bagay na ginagawa mo. malay mo naghihintay lang siya ng pagkakataon para makaporma sa'yo. darating siya 'pag handa ka na.

RD 2:
Kahit ga'no pa kasakit, 'pag iniyak mo, mawawala yan.

RD 3:
Anong halaga ng pasko kung wala ka naman sa piling ko. lalo na kung sa'yo lang umiikot ang aking mundo?

RD 4:
Kala ko dati, okay na 'yung nakakatext kita araw-araw. nakakausap araw-araw. nakakasama araw-araw. pero hindi pala. alam mo kung anong mas okay? mas okay yung ako yung kasama mo sa tuwing umiiyak ka. sa tuwing may problema ka. sa tuwing nalulungkot ka. at higit sa lahat sa tuwing pakiramdam mo, lahat pinagkakaisahan ka.

RD 5:
Kung may paraan lang para makasama kita ng matagal, yun ung pipiliin ko.
Kung may paraan lang para mapasaya kita lagi, yun ung gagawin ko.
Kaso wala akong ibang maisip na paraan kundi mahalin ka nang hindi mo nalalaman.

RD 6:
Bakit mo siya tatalikuran kung kaya mo namang maghintay at mahalin siya ng habangbuhay.

RD 7:
Kung magmamahal ka rin lang dun na sa taong una mong iniyakan.

RD 8:
Hindi na mahalaga kung sino sa inyo ang nang-iwan, ang mas mahalaga ay alam niyo kung kailan kayo magkakabalikan.

RD 9:
Kung takot kang masaktan, hindi mo kailanman matututunang magmahal.

RD 10:
Bakit mo sasabihing hindi mo na siya mahal gayong patuloy ka pa ring nasasaktan?

RD 11:
Kung iiyak ka, umiyak ka sa isang dahilan, 'yun ay dahil hanggang ngayon siya pa rin ang iyong mahal.

RD 12:
Kahit ang pipi pinipilit magsalita. Pero ikaw, ang tahimik mo. Hindi ka naman pipi pero bakit ayaw mong sabihin kung anong nararamdaman mo?

RD 13:
Ang pag-ibig pwedeng pagtawanan pero hindi kailanman pwedeng talikuran.

RD 14:
Bakit gano'n? Basta para sa pag-ibig, lahat pinahihintulutan. Sana ako nalang ang pag-ibig para pahintulutan mo akong mahalin ka habangbuhay.

RD 15:
Kapag sigurado ka na sa kanya, hetong sabihin mo, "Hindi kita kailanman tatalikuran, pero pag sumuko ka, mahihirapan ako."

RD 16:
Kahit ilang beses ko pang sabihin yan sa aking sarili, unti unti kong nararamdaman na sumusuko ka na. Pa'no ba yan? Ang tanging magagawa ko na lamang ay mahalin ka nang hindi mo nalalaman.

RD 17:
Hindi ko hinangad na mahalin mo rin ako. Sapat na sa akin ang pagpayag mo na iparamdam sa'yo kung ga'no kita kamahal. Kahit ilang beses pa akong masaktan sa pagmamahal ko sa'yo, itutuloy ko lang. Hindi ako magsasawa. Maaaring mapagod ako sa mga darating na araw at hindi magparamdam sa'yo nang matagal, huwag kang mag-alala mahal pa rin kita at kailanman hindi ako magsasawang mahalin ka.

RD 18:
Ang sarap magmahal. Masakit pero sobrang sarap! Alam ko wala na talaga. Umalis ka at nagpaalam na. Gano'n pa man, maghihintay pa rin ako. Lagi akong maghihintay, maghihintay na ikaw ay bumalik at bumalik ka man o hindi, maghihintay pa rin ako. Sa'yo lang tumibok ang puso ko. Sa'yo lang nasaktan nang todo at sa'yo lang din matatapos ang pagtibok nito.

RD 19:
Mahirap kalimutan ang isang bagay na matagal mo nang sinubukan lalo na 'pag isang araw bigla nalang magpaparamdam.

RD 20:
Ewan ko ba kahit ilang beses mo akong paglaruan, seryoso pa rin kitang minamahal.

RD 21:
Kahit patuloy ka niyang pinapaiyak at sinasaktan, patuloy ka pa ring magmahal. Anong malay mo na sa kabila ng lahat ng paghihirap mo ay makonsensiya siya at ibigay niya ulit ang matamis niyang oo.

RD 22:
Kung kaya ko lang ibigay ang lahat, ginawa ko na. Kaso tao lang ako. Hindi lahat kaya kong gawin. Pero sa kabila ng kapintasan ko, isa lang ang masasabi at magagawa ko: ang patuloy kang mahalin. At kahit ilang beses mo pa akong saktan at pagtabuyan, ikaw pa rin ang aking mamahalin at walang sawang babalikan.

RD 23:
Kung mangyari na lupa ka at langit siya, mahihirapan ka dahil kahit anong gawin mo, sa kanya pa rin ang bagsak mo.

RD 24:
Hindi ako kailanman nagsisisi na nakilala kita. Lalong hindi ako nagsisisi nung nagdesisyon akong mahalin ka. Dahil nung nakilala kita, nakilala ko sarili ko. At nung nagdesisyon akong mahalin ka, mas minahal ko ang sarili ko.

RD 25:
Huwag kang magseselos kapag may kausap siyang iba. Lalo na 'pag hindi mo sila kilala. Dahil at the end of the day, ang mahalaga ay ikaw pa rin ang mahal niya.

RD 26:
Kapag sigurado ka na sa mahal mo, hetong sabihin mo: "Paninindigan kita."

RD 27:
Kung ang pluto umiikot sa araw, ang aking mundo, umiikot sa'yo.