Tuesday, February 1, 2011

Mahal na Mahal Kita

masarap umibig
lalo na kung ikaw
ang siyang dahilan
kung bakit ako umiibig

masarap masaktan
lalo na kung ikaw
ang siyang dahilan
kung bakit ako nasasaktan

masarap umiyak
lalo na kung ikaw
ang siyang dahilan
kung bakit ako umiiyak

higit na masarap ang tumawa
lalo na kung ikaw
ang siyang dahilan
kung bakit ako tumatawa

pero sa kabila ng lahat ng ito
baliw pa rin akong naghihintay sa iyo
minsan na akong nasaktan
maraming beses na rin akong umiyak

ganoon pa man
hinding hindi magsasawa ang puso ko na masaktan
hinding hindi magsasawa ang aking mga mata na umiyak
dahil alam ko na sa iyo lamang umiikot itong aking mundo

dahil alam ko na ikaw lamang ang minahal ko nang ganito
ikaw lamang ang nagpahalaga sa akin
ikaw lamang ang nagmahal sa akin
mahal na mahal kita pangalawa sa Kanya.

No comments:

Post a Comment