Tuesday, February 1, 2011

Ang Pag-ibig para kay Dylan

Ano ang pag-ibig para sa akin?

Ang pag-ibig parang counter strike, kahit ga'no ka kagaling, darating ang araw matatalo ka rin.

Ang pag-ibig parang gulong ng sasakyan, minsan mabilis, minsan mabagal, at kung pagmamasdan, ito'y umiikot lang.

Ang pag-ibig parang hangin laging nandiyan pero hindi mo nakikita.

Ang pag-ibig parang kamera, basta maganda kinukuha.

Ang pag-ibig parang dictionary, ang daming kahulugan.

Ang pag-ibig parang bata, sarap asarin at alagaan, madaling pasayahin. Huwag mo lang sasaktan. Tiyak iiyak yan.

Ang pag-ibig minsan, parang bola masarap paglaruan. Pero 'pag walang hangin sa loob, tiyak 'di tatalbog yan.

Ang pag-ibig parang bubble gum na dumikit sa damit. Matanggal mo man ito isa pa rin ang tiyak ko: mang-iiwan ito ng bakas para maalala mo.

Ang pag-ibig minsan parang anino, kahit sa'n ka magpunta, sunod nang sunod sa'yo.

Ang pag-ibig parang expired na gamot, nakakamatay.

No comments:

Post a Comment